Nung una, hindi ko maintindihan kung bakit
Lawin at Inahin yung tawag sa game kasi parang caterpillar yung formation ng
players. Yun pala, Inahin pala yung nasa harapan ng mahabang pila tapos mga
chicks yung mga nakapila sa likod niya. Tas yung lawin pala yung mananaya na
hinaharangan ng inahin.
Napakahirap maging chick na nasa
pinakalikod. Yung taong nasa pinakalikod kasi yung kailangang mataya ng lawin
kaya lagi siyang kailangang gumalaw at umiwas sa lawin. Dapat agile, alerto at
mabilis ding tumakbo yung mga nasa likod kasi ang tendency kapag mabagal sila,
napuputol yung pagkakapit-kapit ng mga chicks sa isa’t isa.
Hindi ko na-experience maging lawin pero nung
naging lawin si Mira, naawa ako sa kanya kasi sobrang nahirapan siya manaya
yung nasa pinakalikod. Mukhang hindi madaling maging lawin kasi kailangan,
aside from agility tsaka bilis, may strategy rin yung lawin para mataya niya
kaagad yung nasa pinakalikod ng mga chicks.
Award: Most Nakakakaladkad Award. Dahil pag mabagal ka sa game na ito, maaari kang makaladkad.