Tulad ng Aswang-aswang, nalaro ko na rin itong
game na ito nung nag-sit in ako dati sa class ni Ma’am Grecia. Ito yung isa sa
mga pinakafavorite kong games na nalaro ko sa Philippine Games.
Ako lagi yung aggressive na nanghuhuli sa
game na ito. Ang ginagawa ko palagi ay ineextend ko sa kakampi ko yung isa kong
kamay para just in case na mahila ako ng kabilang team, mas madali nila ako
mahila pabalik. Another strategy na ginagawa ko in this game is tinatarget ko
yung mga kalaban na napapatingin dun sa mga taong naghihilahan para mas madali
silang mahila. Pag wala naman akong matarget, paminsan minsan, nakikisali ako
dun sa mga humihila para ma-save yung mga hinihila ng kalaban.
Dahil ako yung nanghuhuli, at one point,
naranasan ko rin yung pag-agawan ng kakampi at kalaban. Masaya siya pag
pinag-aagawan ka kasi nandoon yung thrill e. Pero the day after, sumakit yung
braso ko dahil sa sobrang stretch.
Hindi ko naranasan maging bihag ng kabilang
team ngayon. Pero nung first time ko siya laruin, nahuli ako once. Nung time na
nahuli ako, puwede nang tumakas yung mga bihag. So after a while, nakatakas ako.
Hindi muna ako gumalaw sa aking puwesto hanggang sa madistract yung nagbabantay
sakin hanggang sa tiningnan niya yung mga nangyayari sa neutral field.
MVP: Ako, dahil nakahuli ako ng dalawang
kalaban at hindi ako nahuli this time around.
Award: “Most fun Game”