Sunday, January 27, 2013

22. Lawin at Inahin


Nung una, hindi ko maintindihan kung bakit Lawin at Inahin yung tawag sa game kasi parang caterpillar yung formation ng players. Yun pala, Inahin pala yung nasa harapan ng mahabang pila tapos mga chicks yung mga nakapila sa likod niya. Tas yung lawin pala yung mananaya na hinaharangan ng inahin.

Napakahirap maging chick na nasa pinakalikod. Yung taong nasa pinakalikod kasi yung kailangang mataya ng lawin kaya lagi siyang kailangang gumalaw at umiwas sa lawin. Dapat agile, alerto at mabilis ding tumakbo yung mga nasa likod kasi ang tendency kapag mabagal sila, napuputol yung pagkakapit-kapit ng mga chicks sa isa’t isa.

Hindi ko na-experience maging lawin pero nung naging lawin si Mira, naawa ako sa kanya kasi sobrang nahirapan siya manaya yung nasa pinakalikod. Mukhang hindi madaling maging lawin kasi kailangan, aside from agility tsaka bilis, may strategy rin yung lawin para mataya niya kaagad yung nasa pinakalikod ng mga chicks.

Award: Most Nakakakaladkad Award. Dahil pag mabagal ka sa game na ito, maaari kang makaladkad.

No comments:

Post a Comment