Familiar itong game na ito sa akin pero
hindi ko naaalala kung nilaro ba namin ito nung kabataan namin. Unexpectedly,
hindi ko na-enjoy yung game na ito.
Throughout the game, iniisip ko kung bakit parang mas masaya yung kabilang
group kaysa sa group namin. Hindi ko alam kung KJ lang ako or yung group namin
or hindi lang talaga masaya yung laro. Medyo nahirapan din ako sa game na ito
dahil bingi ako tas mahina sumigaw yung reporter.
Sobrang nahirapan ako sa variation ng mga
reporters. Yung variation kasi nila, instead na isigaw yung number na kukuha ng
panyo, may equation munang kailangan isolve para malaman ng both teams kung
sino ang dapat kumuha ng panyo. Nahirapan ako kasi dalawang taon na akong walang math
subject tapos biglang nakita ko nanaman yung mga numbers at equations. Yun yung
reason kung bakit ang bagal ko magsolve.
Award: Most Sabaw Game Award. Kukuha ka na nga lang ng panyo, magsosolve ka pa ng equation.
Award: Most Sabaw Game Award. Kukuha ka na nga lang ng panyo, magsosolve ka pa ng equation.
No comments:
Post a Comment