Sobrang nag-enjoy rin ako sa game na ito.
Sa simula, medyo madali pang umiwas sa mga nataya na. Pero habang tumatagal,
mas nagiging challenging sa mga remaining players yung pag-iwas sa mga taya
kasi nagiging group effort na yung pagtaya ng mga nataya. Hindi naman ako
kasama sa mga unang nataya sa game pero hindi ren ako yung isa sa mga huling
nataya. Nung nataya na ako, madalas na nahihila na rin ako ng mga kapwa ko taya
sa pag-attempt nilang manaya ng ibang players. May mga times rin na naputol
yung paghawak ng kamay ng mga taya kasi sa sobrang hila nung ibang taya para
mataya yung remaining players.
Mas mabilis yung game nung nagkaroon ng
variation na puedeng maghiwalay yung taya into 2 groups composed of 3 members.
Dahil mas marami na yung mga kamay na puedeng makataya sa remaining players,
mas naging challenging yung game from the perspective of the players na hindi
pa taya kasi from anywhere na puede manggaling yung kamay na puedeng tumaya
sayo.
Award: “Kamay Everywhere Award”. Kakaiwas mo
pa lang sa kamay ng taya, meron pang 2 kailangang iwasan.
No comments:
Post a Comment