Nakakalito yung game na ito. Dapat lagi kang
alert kung sino yung susunod na pain at taya. Dahil second class ko lang itong
Philippine Games, hindi naman ako masyadong nalito nung naglalaro. At some
points nga, ako pa yung nag-eexplain sa mga kaklase ko kung sino dapat yung
sunod na pain at taya kapag nagkakalituhan na.
Sa game na ito, kahit hindi ikaw yung
tumatakbo, Masaya pa rin kasi nakakatawa panuorin yung mga taong matagal
narerealize na sila na pala yung sunod na pain o taya. Kadalasan pa nga,
naglalaho yung pain o yung taya dahil sa sobrang taranta or sa sobrang lag lang
nung mga naglalaro.
Interesting din yung variation na 2 yung
taya at pain kasi lalong nagiging challenging yung game. Nung variation na nung
game, most of the time, hindi ko na ma-identify kung sino yung pain at taya
tsaka kung sino yung hinahabol ng mga taya. Ang nasa isip ko na lang ay kung
may pupunta sa harapan o likod ko,
puedeng ako na yung sunod na pain.
MVP: Red, Napansin kong madalas siyang
naging pain nung naglaro kami pero once or twice ko lang siya nakitang nataya.
Award: “Buffering Award”. Tawa ka pa nang
tawa, ikaw na pala ang tatayain.
No comments:
Post a Comment