Na-excite akong laruin to kasi familiar yung
laro sa akin. Pero nakakatawa kasi nung tinatanong ni Mam Grecia kung paano
laruin yung game, hindi ko maalala. Alam ko lang dati na naglalaro kami ng
agawan base. Nung inexplain na sa amin yung mechanics nung game, bumalik na sa
akin lahat ng memories ko sa paglalaro nito.
Nag-try akong maging aggressive sa game na
ito. Normally kasi ako palagi yung pampahaba ng base. Nag-attempt akong
maka-save ng teammates at manaya ng kalaban. Pero unfortunately, wala akong
naligtas or nataya. Nalilito kasi ako kung sinong mas bago sa amin nung kalaban
ko. May time nga na may tinaya akong kalaban pero mas bago daw siya so hindi
daw yung legit.
Award: “Mas Bago Ako Award”. Dahil lahat ay
takot sa sentence na ito sa game na ito.
No comments:
Post a Comment