Hindi ako masyadong nag-enjoy sa game na ito
compared sa ibang games na nalaro ko sa Philippine Games. Unang-una medyo
nahirapan ako maghanap ng kulay. Natataranta kasi ako pag nag-announce na ng
kulay yung taya. Idagdag mo pa na nagkakagulo na ang lahat kapag nag-announce
na yung taya. Pangalawa, naka-white t-shirt at black jogging pants and shoes
lang ako kaya disadvantageous sakin yung game na ito nung araw na nilaro itong
game.
Ang naging strategy ko na lang sa game na
ito ay sundan yung mga tao. Dahil wala namang maximum number ng tao ang puedeng
humawak sa isang kulay, ang ginawa ko ay tiningnan yung paligid kung may mga
taong nagkukumpulan at doon ako nakikisiksik para hawakan kung ano man yung
bagay na hinahawakan nila. Dapat rin sa game na ito, makulay yung suot mo o ng
mga kakampi mo para mas madaling makahanap ng hahawakan.
Nung nagkaroon na ng variation, mas lalo
akong nahirapan at nataranta. More or less sa isip ko, matataya na ako sa unang
round pa lang. Nataya ako nung ikalawang round. Para sa akin, mas naging masaya
ako nung naging taya ako sa game na ito (lalo na nung marami na kaming taya).
Award: “Nakakaharasss award”. Dito mo
ma-eexperience mahawakan kung saan saan.
No comments:
Post a Comment