Sunday, January 27, 2013

11. Agawan ng Sulo


      Nung ineexplain sa amin ng reporters itong game na ito, akala ko sobrang mag-eenjoy ako pag nilaro na. Medyo na-disappoint ako sa game na ito. Kasi naguluhan talaga ako sa mechanics ng game na ito. Feeling ko, hindi masyadong naging effective yung reporters sa pag-eexplain nung mechanics nung game. 

Lalo pa akong na-disappoint nung variation na yung nilaro namin. Every now and then, tumitigil yung game kasi hinahanap namin yung taya dahil nawala or napapansin na may mali sa variation na ginagawa namin. Sobrang gulo to the point na nawalan na ako ng gana maging competitive sa game.

Sa game na ito, dapat mabilis ka at ang iyong reaction time kasi paunahan kayong papasok sa mga sulo. Dapat rin agile ka kasi madalas, hindi lang ikaw yung mag-aattempt na pumasok sa sulo. Madalas, maaagawan ka ng papasukan.

Award: Most Desperate Game. Kahit isa na lang yung bilog na papasukan, gagawin at gagawin ang lahat para makapasok lamang.

No comments:

Post a Comment