Hindi na ako nagtakang itinaya ni Ma’am
Grecia yung pagtuturo niya ng Philippine Games sa larong ito. Sobrang thrilling
ng larong ito kahit magnanakaw ka man o inahin. Imposibleng hindi ka mag-enjoy
kung competitive yung mga naging kalaro mo rito.
Na-experience kong maging magnanakaw at
inahin. Kapag magnanakaw ka, effective yung strategy na magnakaw mula sa likod
ng kalaban. Kapag inahin ka naman, sobrang nakakangawit. Hindi ako masyadong
nakapag-concentrate sa pagdepensa sa mga magnanakaw kasi nakakangawit yung
position ng inahin. Idagdag mo pa na nataranta ako nung nanakawan ako. Tuloy,
maraming nanakaw sakin yung mga kalaro ko. Pero, na-redeem ko naman yung sarili
ko nang mataya ko si Mira.
Napansin kong dapat mabilis yung reflex at
reaction time mo sa paglalaro nito. Malaki talaga yung chance na mahirapan kang
magnakaw/protektahan yung mga biik kapag hindi ka mabilis gumalaw at mag-react.
Isa pang mahalagang bagay sa paglalaro nito ay yung pagiging kalmado lang kahit
anong mangyari. Dapat sa game na ito, hindi ka mataranta kasi kapag nataranta
ka na, mas malaki yung chance na hindi ka makanakaw/mawalan ka ng maraming
biik.
Award: This game deserves the “Nakakangawit
award”. Dapat may automatic reflex yung kamay mo para makataya kaagad at
maiwasan ang sobrang nakakangawit na position ng baboy.
No comments:
Post a Comment