Sunday, January 27, 2013

6. Sis-sis-ki


Hindi ko masyadong na-enjoy itong game na ito dahil sobrang bilis niya matapos kapag may magaling kang kalaro. Aatakihin mo pa lang yung kalaban pero tapos na pala yung game kasi nauna na sayong makahawak ng ankle. Tapos may mga pagkakataon pa na talagang nasa sahig na yung labanan kasi competitive talaga kaming magkalaban. Sa sobrang intense nung game na ito, pagkatapos nung game ko na napansin na nagkaroon ako ng maliit na sugat sa left wrist ko.

Nung variation, at least na-feel ko naman yung pag-atake sa kalaban. Pero hindi ako naka-tag dahil magaling din dumepensa yung mga naging kalaban ko. May mga muntik moments na makaka-tag sana ako pero hindi siya natuloy. Pagdating sa pagdepensa naman, hindi ako personally na-tag ng kalaban ko pero na-tag niya ng isang beses yung kakampi ko.

Award: “The Flash” award. Aatake ka palang, tapos na yung game kasi tapos na yung teammate or kalaban mo makataya.

No comments:

Post a Comment