Sunday, January 27, 2013

4. Sting

Nakakatuwa itong game na ito. Para siyang fencing pero daliri/kamay yung gamit. Mukha siyang simple at madaling gawin nung ineexplain sa amin pero hindi pala.  Sa game na ito, kailangan may strategy ka ren sa pag-atake sa kalaban. Masakit siya sa kamay kasi kailangan pigilan yung force na ineexert nung kalaban para hindi niya mahawakan ang kahit anong parte ng iyong katawan.

Nung 1 vs. 1 pa yung laban, hindi ako nanalo kasi ang hirap ma-touch ng kalaban pag 100% yung attention niya sayo. Pero nung variation na 2 vs. 2, mas dumali manaya para sa akin. Kasi puede mo ng lituhin yung mga kalaban mo kung sino talaga yung balak mong tayain. On the other hand, I think puede rin humirap yung game sa variation kasi kailangan mo na ring protektahan yung teammate mo kapag tinatarget siya ng 2 mong kalaban.

Napansin kong madaling targetin yung lower parts of the body kaysa sa upper parts. Pero ang weird kasi nung nakataya ako, sa ulo ko na-touch yung kalaban.

MVP: Ako, dahil nataya ko sa ulo si RJ nang isang beses nung may variation na.

Award: Reflex Award. Dapat kasi mabilis ang Reflex mo sa game na ito para hindi ka ma-sting.

No comments:

Post a Comment