Para akong bumalik sa elementary nung nilaro
namin itong game na ito. Kahit hindi ako masyadong magaling sa game na ito,
lagi akong sumasali kapag may naglalaro nito dati.
Pero kahit pamilyar na sa akin yung game,
hindi pa rin ako nadalian. Hindi kasi ako sanay na more than 1 yung bolang
ginagamit. Ako tuloy yung unang natamaan ng bola nung first round. Natamaan ako
sa likod kasi akala ko isa pa lang yung bola. Nung group na namin yung
mambabato, nakatama naman ako ng isang player. Pagdating ng second round, medyo
tumagal naman ako sa playing area bago ako natamaan ng bola. Proud pa ako sa
sarili ko kasi may one time na tatlong bola yung tumarget sakin na halos
sabay-sabay pero naiwasan ko lahat. Pero after ilang bato, natamaan din yung
paa ko.
Dapat sa game na ito, magaling kang umiwas
sa mga bola. Dapat rin, lagi kang alert kung nasaan at nakanino yung mga bola
para hindi ka kaagad matamaan ng bola. Kung ikaw naman yung nambabato, dapat
magaling kang magpanggap kung sino talaga yung babatuhin mo. Dapat rin na
alisto yung nambabato kung sino yung mga hindi alert at puedeng batuhin.
MVP: Paolo, dahil ang galing niyang umiwas,
mambato at sumalo ng bola. Ilang beses din ata siya nakasalo.
Award:
“Backstab award”. Akala mo naiwasan mo na yung 2 bola, meron palang mambabato
sayo sa likod.
No comments:
Post a Comment