Hindi ko masyadong na-enjoy itong larong ito
kasi mali ata yung pagkalaro namin. Ang objective ng game ay sakupin or
makatawid sa kabilang team ang karamihan sa grupo. Pero ang nangyari ay
nagfocus ang both teams sa pagbato sa mga members ng magkabilang team. Parang naging dodgeball yung game. Pero kahit na
ganun ang nangyari, na-enjoy ko rin yung game eventually.
Isa ako sa mga naka-survive nung 1st
game. Naalala ko pa yung feeling na may 5 bolang magkakasunod na dapat mong
maiwasan. Feel ko, ako si Keanu Reeves sa the Matrix. Nung 2nd game,
sinubukan kong maging aggressive at mambato ng maraming tao. Pero nag-fail ang
plano ko dahil wala akong natamaan. Natamaan pa ako ni Paulo nung round na ito.
Nung final game, nag-lay low na lang ako since pagod na ako. Pero ironically,
this round pa ako nakapag-out ng isang kalabang papunta sa team namin.
Award: Ang Pinakamagulong Game. May mga batong nasa ere, may mga nambabato, may mga tinatamaan, may mga umiiwas at meron ding tumatakbo. Sa sobrang gulo ng playing area sa game na ito, nakakahilo kung anong una mong gagawin.

No comments:
Post a Comment