Nalaro ko na itong game na ito nung nag-sit
in ako sa class dati ni Ma’am Grecia. Pero na-excite pa ren ako maglaro kasi
alam kong masaya siyang laruin. Nung first time ko siya laruin, sa gilid ako
pumuwesto. Napansin ko dati na pag sa gilid ka pumuwesto, disadvantageous siya
kasi mas mataas yung chance na matataya ka.
Naranasan ko rin maging aswang nung first
time kong maglaro nito. Mahirap maging aswang kasi kailangan agile ka at may
plan ka before umatake. May one time nga na halos hindi ako makataya ng iba.
So this time around, pumuwesto ako sa may
bandang gitna ng taong-bayan. Dito ko narealize na corny pala kung nasa gitna
ka. Una, hindi ka halos matataya ng aswang. Wala palang thrill pag sa gitna.
Pangalawa, magpapadala ka lang sa galaw ng buong crowd ng taong bayan. Kasi, yung nasa gilid yung mga umiiwas. At
higit sa lahat, mainit at siksikan sa gitna. Maaari kang matapaktapakan or
makatapak ng ibang players.
Good thing na may variations yung game kasi
mas nagiging challenging siya even para dun sa mga nasa gitna. Pag dalawa na
yung aswang, hindi na basta basta nakakagalaw yung mga nasa gitna. So less yung
natatapakan/nakakatapak ng ibang players. Pag nataya naman at nagiging aswang,
eventually, napupunta na sa gilid yung mga dating nasa gitna.
Award: This game deserves the “Naipit
ako sa Gitna ng Taong-bayan Award”. It’s self-explanatory.
No comments:
Post a Comment